Monday, February 7, 2011

GAANO NGA BA KABOBO ANG PINOY?


BULAG.

Juan : Sana mawala na ang katiwalian sa Pilipinas.

(Paano mawawala ang katiwalian kung ikaw mismo ang nakakakita ng mali pero nagbubulag-bulagan lang?)

ALIMASAG.

Boss : Ikaw ang iaassign ko sa bagong branch natin.
Boy : Maraming salamat po.

Juan : Ano bang nakita niya dun sa lalakeng yun? Mas magaling naman ako sa kanya.

(kinabukasan)

Juan : Boss, alam niyo bang dating excon yung iaassign niyo dun sa bagong branch natin? Nakulong nga ho yun dahil sa pagnanakaw at scam.
Boss : Tawagin mo nga siya.

(Pinuntahan ni Juan ang lalake)

Juan : Pare, ikaw pala ang iaassign ni boss sa bagong branch natin, congrats.
Boy : Salamat. :)
Juan : Nga pala, pinapatawag ka ni boss.

(pumunta ang lalake sa boss nila)

Boy : Boss, pinatawag niyo daw po ako?
Boss : Oo, may probelama kasi sa bagong branch natin at may ibang gusto ang board na iassign dun kaya sorry di na ikaw ang maaassign dun.

HIMALA.

Juan : Sampung taon na akong tumataya sa lotto pero ni minsan di ako nanalo.
Boy : Siguro hindi pa ngayon ang panahon mo para manalo, maghintay ka lang.

(araw-araw na tumataya sa lotto si Juan kahit wala itong trabaho ay hahanap pa rin ito ng paraan upang makataya)

Boy : Juan, maputla ka ah.
Juan : May lagnat ata ako eh. Baka pwedeng makahiram ng pera pambili ng gamot.
Boy : Heto 50 pesos.

(biglang lumakas si Juan at dali daling pumunta ng lotto outlet para tumaya, kinagabihan umuwi ito at natulog. tumama ang numero niya ngunit di na siya nagising para malaman na nanalo siya)

PASENSYA.

(panahon ng elesyon. nasa pulong si Juan upang ipangampanya si PNoy)

Juan : MAGSAMA SAMA TAYO SA DAANG MATUWID!!

(pagkatapos ng eleksyon. siyam na buwan matapos ang eleksyon)

Juan : Nasaan na ang daang matuwid? Hanggang ngayon may korapsyon pa rin! Buti pa ang pangulo may bagong sasakyan habang tayong mga mahihirap ay mahirap pa rin!!

(anong gusto ni juan? araw-araw may bagong pangulo?)



Many of us Filipinos know that some of us are using our power to get what we want.
Selfishness can cause so much to even ruin one's life.
We get insulted to some jokes that are really jokes, maybe because many Filipinos are "balat sibuyas".
Some local products cost more than foreign products, why is that?
We can see corrupt people but we don't act and just blame it to somebody. (katangahan)